Magbigay Ng Tula Para Sa Iyong Pangarap.
Magbigay ng Tula para sa iyong pangarap.
Answer:
Ang Aking Pangarap
Ang aking pangarap na gustong makamtan
Sipag at tiyaga lamang ang kailangan
Upang ang aking pamilya ay aking matulungan
Kailangan kong magsumikap ng ito ay maging makabuluhan.
Hindi man kay taas ng aking pangarap
Gusto ko lamang makuha ang aking mga kagustuhan
Nang aking mabili ang lahat ng mga pangangailangan
Makalibot sa ibat ibang lugar na gustong puntahan
At doon makakaramdam na ako ng lubos na kasiyahan
Ang aking pamilya ang aking inspirasyon
At ang gabay ng ating Panginoon
Kaya kahit anong pagsubok
Alam kong aking maabot at matutupad
Ang aking mga pangarap
Pangarap
Ang pangarap ay nagsisilbing layunin, mithiin o tunguhin ng isang tao na gustong maabot, makamtan at magkaroon ng katuparan. Ang pangarap ang magsisilbi mong motibasyon para magpatuloy sa iyong buhay, kung minsan rin ang pagkakaroon nito ang magdudulot sayo ng saya at galak sa iyong puso.
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Pangarap
- Ang iyong pangarap ang magdadala sayo ng kasiyahan at kagalakan sa buhay, ito ang magiging motibasyon ng isang tao upang patuloy na lumaban at harapin ang mga pagsubok at hamon sa buhay.
- Ito ang nagsisilbing dahilan kung bakit ang isang tao ay nagiging pagkuha at pagkamit ng nito.
- Ito ay isa sa nagpapatibay at nagpapalakas ng loob ng isang tao.
- Kailangan nito para mas ganahan ang isang tao na gumawa pa ng higit sa inaasahan niyang kaya niyang gawin.
- Ang mga pangarap ang nagpapasigla at nagpapasaya sa isang tao kahit na dumadaan sa mga problema at pagsubok sa buhay.
- Ito rin ang nag-uudyok sa isang tao na kayanin ang lahat ng mga suliranin sa buhay.
- Nagiging dahilang ito upang magsumikap at huwag sumuko sa buhay.
Mga taong pwedeng maging inspirasyon sa pagtupad ng mga pangarap;
- pamilya (magulang at mga kapatid)
- kaibigan
- taong iniidolo o hinahangaan
- taong minamahal o iniibig
- Panginoong Diyos
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na:
Bakit mahalaga ang pangarap?: brainly.ph/question/537586
#LetsStudy
Comments
Post a Comment