Halimbawa Ng Karapatan Ng Akusado
Halimbawa ng karapatan ng akusado
Karapatan ng Akusado
Ang lahat ng akusado ay may karapatan na humarap sa korte upang malaman kung legal o naaayon sa batas ang kanyang pagkakaditene. Ang sinumang akusado ay may karapatan na manahimik sa panahon ng pagsisiyasat. Bukod dito, siya rin ay may karapatan na kumuha o magbayad ng tagapayo na kakatawan sa kanya sa hukuman upang higit niyang maunawaan ang dahilan ng kanyang pagkakakulong at ang mga batas na nilabag niya na siyang naging basehan upang siya ay ikulong. Kung sakaling wala siyang kakayahang magbayad ng abugado, ang pamahalaan ang may pananagutan upang siya ay magkaroon ng tagapagtanggol na magmumula sa grupo ng mga probono. Sa panahon na siya ay lilitisin, siya ay may karapatan na ipagpalagay na inosente hanggang sa hindi pa napapatunayan na siya ay nagkasala. Maliban dito, may karapatan din sya na ipagtanggol ang kanyang sarili at mapaliwanagan ukol sa kalikasan at akusasyon laban sa kanya, at magkaroon ng mabilis at patas na paglilitis kabilang na ang pagtugon sa mga napiling saksi at pagkalap ng mga ebidensya na may kinalaman sa kanya. Hindi rin siya dapat pilitin na maging saksi laban sa kanyang sarili sa pamamagitan ng sapilitang paglagda sa anumang kasulatan na nagsasabing siya ay may direktang kaugnayan sa krimen at sa biktima.
Comments
Post a Comment