Summary Of Aralin 25 Ibong Adarna

Summary of aralin 25 ibong adarna

Kabanata 25  (Ibong Adarna)

Tinawag ni Haring Salermo si Don Juan at pinapunta niya siya sa palasyo. Pagdating doon ay nagpasalamat ang hari sa mga ginawa ni Don Juan. Pinapili niya kay Don Juan sa tatlong silid ang mga anak niya. Nakikita lang ang mga daliri para mahirapan siya pero napili parin niya si Donya Maria. Dahil dito, hindi nakakibo ang hari dahil mawawala na ang isa sa mga anak niya. Naging plano ng hari na ipapaalis niya si Don Juan at papuntahan siya sa Inglatera. May kapatid siya roon at ipapakasal niya si Don Juan sa kanya pero kung hindi ito mangyayari, ang balak ng hari ay patayin nalang si Don Juan. Nalaman ni Donya Maria ang plano ng hari at nagbalak rin na, kasama si Don Juan, lumayas at pumunta sa Berbanya.

Sinabi niya kay Don Juan na kunin ang ikapitong kabayo dahil ito ang pinakamabilis pero nakalimutan ni Don Juan at nakuha ang ikawalong kabayo. Pagtakas nila ay humabol ang hari. Dahil mali ang kabayo na napili ni Don Juan ay nakahabol ang hari sa kanila. Inilaglag ni Donya Maria ang isang kohe at ang lupa ay naging dagat at dahil dito ay hindi na mahahabol ng hari sila. Sa galit ng hari ay hiniling niya sa Diyos na pagdating nila sa Berbanya ay malilimutan ni Don Juan si Donya Maria at iba ang makakasal ni Don Juan. Sa sama ng loob ng hari ay nagkasakit siya at namatay.

brainly.ph/question/168156

brainly.ph/question/1257932

brainly.ph/question/1933209


Comments

Popular posts from this blog

Halimbawa Ng Karapatan Ng Akusado